Featured Posts

Featured Posts
Featured Posts

JADSTravel

JADSTravel
OUR TRAVEL LOG

DADAY'S KITCHEN

DADAY'S KITCHEN
DADAY'S KITCHEN
Showing posts with label Tagalog. Show all posts
Showing posts with label Tagalog. Show all posts

Pulubi… by Einna Onainebas

Ika-30 ng Marso, 1998

Sino ka? Ano ang papel mo sa mundo? May halaga ba ang buhay mo? Yagit. Palaboy. Pakalat-kalat sa daan. Basura ng lipunan. Gulanit ang damit. Nanlilimahid. Anong bukas ang naghihintay sa isang katulad mo?  “Palimos po ng barya”, ang sambit sa tuwina. Nakasalalay ang pangangailangan mo sa mga taong maaawa sa iyo. Paano kung walang magbigay ng barya, anong mangyayari sa iyo? Paano maiibsan ang kalam ng sikmura mo? Sapat na ba ang isang basong tubig para mawala ito? Pagsapit ng gabi, saan ang uwi mo? Sa ilalim ng tulay. Sa hagdan ng LRT. Sa upuan sa Luneta. Sa harap ng gusali sa Mabini. Sa breakwater sa Roxas Boulevard. Kahit saan. Kung saan abutin ng dilim basta may kapirasong lugar na malalapatan ng pagod mong katawan.
hapag ng pag-asa
This is the famous 2005 painting, Hapag ng Pag-asa (Table of Hope), by Joey Velasco. The children dining with Jesus are real children from the streets and slums of Metro Manila except for the one under the table who eats with the cat (he is modeled from the unknown Sudan boy of the 'Pulitzer Prize winning photo taken in 1994 during the Sudan Famine). In 2006, Joey wrote a book entitled "They Have Jesus", to tell the story of each of the 12 children. 
0

Our Love Story: Ang Aming Muling Pagtanggap ng Basbas ng Kasal

Ngayong araw ang pagdiriwang ng kaarawan ni Mama Mary. Ngayong araw din ang ikalabinlimang anibersaryo ng aming kasal ni Jonjie…kasalang sibil, hindi sa simbahan. At ngayong araw nangyari ang muli naming pagtanggap ng basbas ng kasal...ibig sabihin, mula sa araw na ito, ang aming kasal sa sibil ay may basbas na rin ng simbahan.
DSC_1327
At sa loob ng labinlimang taon, apat na beses na kaming ikinasal at binasbasan.
  1. 09.08.1999 - The Civil Wedding at Imus Regional Trial Court
  2. 12.27.1999 - The Church Wedding at the Presentation of the Child Jesus Christ Parish, BF Homes Paranaque
  3. 12.29.2004 - The Renewal of Wedding Vows on our 5th Wedding Anniversary at Our Lady of the Pillar Parish, Pilar Village Las Pinas
  4. 09.08.2014 - The Blessing of Marriage on our 15th Wedding Anniversary at St. Raphael Parish, Mabalacat City Pampanga


Kahapon
Napag-alaman ko na may mga kinausap pala si Jonjie para sa sana ay “renewal of marriage vows” namin na gaganapin sa mismong ika-8 ng Setyembre. Isa ang kaibigan naming si Bebette Briones na may usapan na pala sila ni Jonjie, tatlong linggo na ang nakakaraan. Kabilang din ang anak naming si Daniz na kinausap nya at dapat ay di ko malaman ang plano. Ngunit dahil sa isa pang mahalagang selebrasyon na magaganap sa pamilya Espiritu, na itinakda din sa malapit sapetsang iyon, minabuti ni Jonjie na hindi na ituloy ang pagpaplano.

IMG_8981 IMG_8973
Kahapon ng umaga habang nasa NLEX (North Luzon Expressway) kami at nagbabyahe papuntang Las Pinas upang dumalo sa binyag at unang taon ng kaarawan ng aming pamangkin, ka-text ko si Bebette. Nakisuyo ako kung pwede mag-alay sya ng thanksgiving mass para sa aming wedding anniversary ng umagang iyon, at kung aabot pa, pati na sa Lunes. Tinanong ko na rin sya kung pwede pa ituloy  ang plano nila ni Jonjie…at mas maganda kung sa ika-8 ng Setyembre mismo. Noong una sabi nya, hindi pwede ang mga pari dahil may selebrasyonng kaarawan ni Mama Mary sa San Fernando, Pampanga. Mahaba ang palitan namin ng mga mensahe. Malapit ng mag ika-1ng hapon ng makumpirma ang araw at oras…Ika-8 ng Setyembre pagkatapos ng misa ng 6:15 ng umaga sa Parokya ng San Rafael sa Mabalacat.

Gabi na kami nakarating sa bahay galing sa Las Pinas…kasama namin si Mommy Lydia…ina ni Jonjie. At noon lang din nya nalaman ang plano naming pagpapakasal ulit. Dahil maaga ang misa at kailanga pa naming makausap ang sekretarya ng simbahan, kailangan kami sa simbahan bago magsimula ang misa. At dahil din wala namang sapat na paghahanda…pagkatapos naming magpahinga ay saka pa lamang namin napag-usapan ang mga kailangang gawin.
  1. Damit na isusuot – bestida para sa akin at long sleeved polo para kay Jonjie
  2. Bulaklak at Belo – di na kailangan
  3. Oras ng pag-alis papuntang simbahan – 5:45 ng umaga kaya kailangang 4:00 pa lamang ay gising na kami
  4. Plano para kay Ate Bevs at Daniz – parehong maaga ang pasok kaya’t napagkasunduan na isasama na namin sila sa simbahan at doon na sila manggagaling papunta sa iskwelahan
Kanina 
DSC_1322DSC_1321
Maaga pa lamang ay nasa simbahan na kami, ngunit sarado pa ang opisina. Mabuti na lamang at nakita ko na si Bebette, nakahinga na ako ng maluwag. Bago magsimula ang misa, binasa ang mga nag-alay at narinig naming binanggit ang “Thanksgiving Prayer nina Emmanuel at Aniceta Espiritu for their weddding anniversary”…at napatingin sa akin si Daniz, nakangiti. Nasa kalagitnaan ng misa ng ihatid sya ni Ate Bevs sa iskwelahan na nasa katapat lang ng simbahan. Mabilis na natapos ang misa alay kay Mama Mary at lumapit na kami kay Bebette upang alamin kung ano ang dapat gawin.

Magkakasama na kaming lumapit kay Father…nagmano kami. At sinimulan na ang aming Blessing of Marriage
DSC_1333
Introductory Rite
We have come together to celebrate the anniversary of the marriage of our brother and sister. As we join them in their joy, we join them also in their gratitude. God has set them among us as a sign of his love and through the years they have remained faithful (and have fulfilled their responsibilities as parents). Let us give thanks for all the favors our brother and sister have received during their married life. May God keep them in their love for each other, so that they may be more and more of one mind and one heart.
DSC_1344
Prayer of Blessing
Lord God and Creator, we bless and praise your name. In the beginning you made man and woman, so that they might enter a communion of life and love. You likewise blessed the union of our bother and sister, so that they might reflect the union of Christ with his Church: look with kindness on them today. Amid the joys and struggles of their life you have preserved the union between them; renew their marriage covenant, increase your love in them, and strengthen their bond of peace, so that (surrounded by their children) they may always rejoice in the gift of your blessing. We ask this through Christ our Lord.
Natapos ang seremonya at nagpasalamat kami kay Father at nagmano.

Sa mga sumusunod na piktyur ay katabi namin sa Mama Mary, kaya lang ay kapiraso lamang ng damit ang nakasama (pasensya na daw po, sabi ng aming opisyal na taga-piktyur na si Ate Bevs).

DSC_1363DSC_1352 DSC_1353 DSC_1357
Matapos ang kaunting piktyur piktyur at maiksing kuwentuhan kasama si Bebette, kami ay nagpaalam na. 

Tumuloy kami sa Rumpa, isang restaurant sa Angeles City, upang mag-almusal. Apat lamang kami. Si Jonjie, Mommy Lydia, Ate Bevs at ako. Hindi pwedeng sumama si Bebette si Mommy (Bebette’s mother) ay kasama na nag iba pa na pumunta sa kumbento.
DSC_1379DSC_1386 DSC_1402
Footnote:
  • Ang nakaplano nina Jonjie ay “renewal of marriage vows” ngunit dahil mabilisan at hindi napag-usapan ng malinaw ang tinagggap namin ay “blessing of marriage”.
0

Our Love Story: Isang Linggong Pag-Ibig Version 1999

DSC_1221[1]
Nagsimula ang lahat noong Ika-2 ng Hulyo, 1999…ikalawang araw ko sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Jonjie sa Cavite. Pagpapakilala pa lang sa akin, malakas na ang dating nya…antipatiko. Dumating ang tanghalian, nakita ko sya sa kantina kausap ang ibang engineers, nakatayo at nakataas ang isang paa sa upuan habang kumakain at nagsasalita…ang ingay, balasubas. Dakong hapon nakasalubong ko sya nakabukas ang unipormeng “shirt jock” at kung maglakad parang sya ang boss…ang yabang. Iyan ang mga unang impresyon ko sa kanya…tandang-tanda ko pa, parang kaylan lang.

Ganun tumakbo ang pakikitungo ko sa kanya. May isang pagkakataon pa na sinabihan ko sya, “hindi ka pa nanliligaw, basted ka na”. At ang sagot nya, “bakit, sinong maysabi sa ‘yong liligawan kita”. Grrrrrr…lagi na lang sya ay may huling salita….hmmmmp. Hanggang isang araw, wala noon ang manager ko, nagkakwentuhan kami tungkol sa buhay-buhay, likes and dislikes, mountain climbing…sabi ko sa sarili ko “hmmmn, malalim din pala sya…maingay nga lang talaga at malakas ang boses”.

Wild_wild_west_poster
Sabado, ika-31 ng Hulyo, habang nasa kantina kasama ang mga katropa nya nagkayayaan manood ng sine sa Filinvest Festival Mall, Alabang…bago pa iyon noon. Di ko matandaan kung bakit nakasama ako sa usapan at kung bakit napa-oo ako. Paglabas sa trabaho, sakay kami sa jeep ni Jonjie…tatlo kaming natuloy kasama si Ed. “Wild, wild West starring Will Smith and Kevin Kline” ang pinanood namin. Paglabas ng sinehan umuwi na si Ed. Ako naman masakit ang ulo kasi di ako sanay manood sa ibaba at gutom na gutom ako dahil wala kaming baon.

Nagyayang kumain si Jonjie…”hay salamat”, sabi ko sa sarili ko. Sa McDonald malapit sa Alabang Town Center kami napadpad…di ko na matandaan kung anong inorder ko…burger yata. Ang alam ko lang…masaya akong kausap sya. Di ko namalayan ang oras…malalim na ang gabi. Inihatid nya ako sa Dasmarinas, Cavite kung saan ako nangungupahan. Sa daan hanggang makarating kami, tuloy-tuloy ang kuwentuhan na para bang ayaw ng maghiwalay.

Maghapon ng Linggo, masayang-masaya ako…gusto ko Lunes na kaagad para makita ko sya (parang bagets lang…unang pag-ibig ba ito)…

Lunes (ika-2 ng Agosto)


Ang simula ng aming isang linggong pag-ibig. “Excited” akong pumasok. Siya agad ang hanap ng mata ko…may munting note akong nakahanda ng ang nakasulat “Thank you for last Saturday. I really had a wonderful time. I haven’t felt it in a long while”. 

Masaya ako buong maghapon…may ngiti ang mga labi at kaygaang ng pakiramdam.

Martes (ika-3 ng Agosto)


Inimbita nya akong mamasyal at nakarating kami sa Tagaytay. Kuwentuhan na naman ng tungkol sa buhay ng bawat isa, “getting to know stage”, sabi nga. Nalaman ko na Don Bosco graduate sya noong high school. Nagsisimba sya pero hindi fan ng mga novena at ung mga lumalapit sa imahen. Sabi ko sa kanya, “di pala tayo magkakasama bukas, kasi tuwing Miyerkules nagsisimba ako sa Baclaran”. Mabilis syang sumagot, “sasamahan kita”. Dasal ko sa sarili ko “thank you po Mama Mary, sya na ang lalaking ibinigay mo upang makasama ko”.

Pagbabalik-tanaw: Mga huling buwan ng 1996 o maaga ng 1997 ng magsimula akong sumimba sa Baclaran dahilan sa kaibigan kong si Thess at dahil may pinagdadaanan akong kalungkutan. Umaraw, umulan, kahit bumabagyo (wag lang baha)…di kami pumapalya. Simple lang ang dasal ko,
“Mama Mary, kung lumipas na po ang lalaking nakatadhana para sa akin, tulungan mo po akong maging masayang matandang dalaga…ayoko ko pong maging masungit. Kung hindi pa naman po at may nakalaan pa, pakibigay na po sa akin, ngayon na...kasi nagkakaedad na ako (30 o 31 na ako noon).
Kung pwede po sana kahit dalawang M lang…ung mamahalin ako at magsisimba kasama ko. At pwede po ba bigyan mo ako ng maliwanag na maliwang na sign na sya na ang lalaki para sa akin”
Ano pa bang pinakamaliwang na sign ang kailangan ko…hindi sya fan ng novena, pero sasamahan nya ako sa Baclaran…kay Mama Mary. Sya na…at wala ng iba!

Miyerkules (ika-4 ng Agosto)


NationalShrineofOurMotherofPerpetualHelpjf9967_01800px-NationalShrineofOurMotherofPerpetualHelpjfN9953_09
Paglabas sa trabaho, derecho na kami sa Baclaran. Pagkatapos ng novena, lumapit ako sa imahen ni Mama Mary at sinamahan nya ako. Sya na talaga ang nakalaan sa akin! 

Eh kaso, isinama nya ako sa Pilar Village, Las Pinas at ipinakilala sa dalawa nyang kapatid, sa hipag nya at mga pamangkin. Nakalimutan ko ang sign ni Mama Mary…natakot ako, hindi ako bagay sa pamilya nila. Mahirap lang kami…may kaya sila. Ang gagaling nilang mag-ingles…ako hindi. Probinsyana ako at anak ng magsasaka…siya ay laki sa Maynila at ang mga magulang ay nasa US.

Habang daan, tahimik ako. Naramdaman nya ang pagdistansya ko at nagtanong kung bakit. Sinabi ko ang takot ko at ginawa nya ang lahat para makampante ako. Pagdating sa bahay, medyo nahimasmasan na ako…

Huwebes (ika-5 ng Agosto)


Magkasama ulit kami pagdating ng hapon…hindi kami lumabas o namasyal. Nasa harap lang kami ng inuupahan ko, sa loob ng jeep at nagkukuwentuhan…hanggang alas kuwatro ng madaling-araw. Pareho kami ng dream house…lumang bahay ng Pinoy na palibot ng balkonahe at walang screen…open air. Napag-usapan din ang tungkol sa mga gusto kapag ikakasal. At kung anu-ano pa. 

Masaya ako kapag kausap ko sya…


Biyernes (ika-6 ng Agosto)

NottingHillRobertsGrant
Hindi ko matandaan kung paano namin pinag-usapan. Dahil paglabas sa trabaho, umuwi kami sa boarding house ko, iniwan ang jeep at sumakay kami ng bus papuntang Robinson Imus. Nanood kami ng Notting Hill starring Julia Roberts and Hugh Grant.

Feel good ang movie at idagdag pa na paborito ko si Julia Roberts magmula ng mapanood ko sya sa Pretty Woman. At higit sa lahat, enjoy ako dahil magkasama kami…

Ang famous line ni Julia Roberts bilang si Anna Scott, ”After all... I'm just a girl, standing in front of a boy, asking him to love her.” 

Sabado (ika-7 ng Agosto)


May lakad ang tropang Casio, mga dati kong kasama sa trabaho. Sa Laguna ang punta namin para sa isang get-together. Siyempre, di ko naman pwedeng isama si Jonjie kasi baka ma-out of place sya. 

At hindi ko alam kung paano ko sya ipapakilala. Di ko pwedeng sabihin…si Jonjie pala, magiging asawa ko pero di ko pa boyfriend…hala. Kaya inihatid nya lang ako kung saan magkikita-kita ang tropa.

Linggo (ika-8 ng Agosto)


nature's churchJesus Christ
Maaga niya akong sinundo upang sabay kaming magsimba sa Nature’s Church sa Moonwalk, Las Pinas. Unang beses kong mararating at makikita ang pamosong simbahan.

At namangha ako sa aking nakita. Ang bubong ay yari sa anahaw, walang dingding, ang mga upuan ay pinutol na katawan ng kahoy at ang imahen ni Hesukristo na nakadipa hindi sa krus ngunit sa buhay na malaking punongkahoy na nasa likod nito. Nasabi ko sa sarili, “dito ko gustong ikasal”.

Sa unahang upuan sa kaliwa, paharap sa altar kami naupo. Pagkatapos ng misa, lumuhod ako at nagdasal. Tumingin ako sa kanya at hinawakan nya ang kamay ko. Hindi na kinailangan ng mga salita, dahil alam ko simula sa oras na iyon, boyfriend ko na sya…

Basahin ang ikalawang yugto:
    0

    Pagkakaibigan Pagkatapos ng UP Diliman

    Nagkita-kita kami isang araw ng Abril ng taong kasalukuyan sa Mequeni Restaurant, Holiday Inn Clark. Ang naging hashtag habang nag-uusap sa pamamagitan ng “text messages” at “facebook pms” ay “lunch ‘til dinner”. Ang dahilan ng pagkikita ay si Jojo na umuwi galing sa pagtatrabaho sa ibang bansa at naka-iskedyul ng bumalik dahil tapos na ang bakasyon.
    DSC_0864
    Mula sa kaliwa paikot: Jojo (Rogelio Martinez), She (Shella Patio), Annie, Bette (Bebette Briones), Gie (Gina Vallejo), Dex (Dexter Alfonso), Cious (Precious Anne Cruz). Wala sina Issa (Isabel Del Rosario), Roehl Lawingco at Col Ryan (Ryan Reynie Sonza)
    DSC_0843
    O ngiti muna, mamaya na ang subo...kaya lang si ako may laman ang bibig ;)
    Kasama ko si Jonjie at dumating kami sa Mequeni Restaurant pasado ikadalawa ng hapon. Nadatnan na namin sina Jojo, She, Cious at Bebette, at ilang saglit ay kasunod naman namin si Gie. Si Dex ay “til dinner” pa makakarating dahil kasalukuyan syang nasa eroplano, galing sa trabaho sa ibang lugar. Si Issa ay may lakad sa Makati at susubukan ding humabol sa “til dinner”. Si Roehl, sabi ni Gie, ay hindi makakarating at si Col. Ryan ay hindi namin nakausap.

    DSC_0845
    IMG_6808
    Medyo matagal din kaming hindi nagkita-kita, kaya sa pagitan ng pagkain ay ang walang humpay na kuwentuhan…at tawanan…at kulitan. Tamang-tama lang din, kasi “eat-all-you-can” kami sa Mequeni. Wala mang piktyur ang mga pangunahing pagkain (main courses) dahil sa dami pero di pwedeng palagpasin ang panghimagas. At ang “hashtags of the day”, #upmm2013, #friendsforlife, #goodfoods, #happinessandlaughters, #friendshipandstories, #brewedcoffee, #carrotcakeandcheesecake, #applepieandcrepe

    DSC_0844
    Ang magkakaedad...
    DSC_0848
    Look-up...para masanay si Jojo :)
    Pagkatapos ng kainan, piktyur-piktyur naman…ang “highlight”, turuan si Jojo kung paano mag “selfie” at mag “look-up”. At dahil matagal namin syang di nakasama, siya ang naging “bida” sa biruan at kulitan…pinagtripan at ginawan ng kuwento ang mga piktyur nya sa iPad.  Ngunit di pa dito nagtatapos…may karugtong pa…ayun o sa baba.

    DSC_0855_edited
    Jojo...di ka pa rin ligtas sa mga makukulit
    DSC_0858_edited
    Ang mga magagandang dilag...Issa, miss ka namin.
     

    Pagbabalik Tanaw...

    11.4.2011
    11.04.2011_Ang larawan ay galing sa FB ni Roehl
    Nabuo ang aming samahan tatlong taon na ang nakakaraan
    Sa isang silid-aralan sa Clark Extension ng UP Diliman
     Iba-iba ang aming edad, estado sa buhay at pinanggalingan
    Iba't-ibang kumpanya din ang aming pinagtatrabahuhan
    Ngunit kami'y pinagtagpo ng tadhana sa iisang hangarin
    Ang mag-aral ng kursong Master in Management.

    11.14.2011A
    11.14.2011
      11.04.2011_Pagkatapos ng pag-uulat (galing sa FB ni Dex)

    3.5.2012
    03.05.2012_Sa harap ng UP Campus (galing sa FB ni Dex)
    12.15.2012 co Dex FB
    12.15.2012 (galing ulit sa FB NI Dex)
    3.23.13 from Dex with Sir Ponce
    03.23.2013_Pagkatapos kumain sa White House Korean Restaurant Clark (galing na naman sa FB ni Dex)
    4.6.2013 @ Munting Tahanan ngNazareth
    04.06.2013_Sa Munting Tahanan ng Nazareth (galing ulit sa FB ni Dex)
    Dalawang grupo kami noong una, ngunit isang araw sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkasama-sama sa tanghalian. At simula noon ay hindi na naghiwalay pa. Sa loob ng dalawampu’t isang buwan, mula ikawalo’t kalahati ng umaga hanggang ikalima’t kalahati ng hapon tuwing Sabado, ay magkakasama kami…sa pag-uulat, grupo man o indibidwal…sa pag-aaral bago ang pagsusulit…at sa araw ng pagsusulit…sa kainan…sa kulitan…umaraw at umulan.

    IMG_2876_edited

    Nagtapos kami sa UP noong nakaraang taon, ikadalawampu’t pito ng Abril. Kulang man kami...subalit, hindi doon natapos ang aming pagkakaibigan. Hindi man kami madalas nagkakasama-sama pero alam naming may kaibigan kaming babalikan sa isa’t-isa. 

    Salamat UP Diliman,,,salamat sa pagkakaibigang nasimulan…na habang buhay aalagaan.
    1